mga kwento ng kababalaghan, katalinuhan, kabobohan, kabanalan, kademonyohan, kagaguhan,katinuan, at marami pang iba!

Tuesday, February 21, 2006

kaeklatan

THINGS TO REMEMBER
never forget:
-your stapler, your blue intermediate pad, your notebook, and your answers. kelangan lahat yan ng mga kaklase mo sa chemistry lalu na pag may quiz.
-your one whole intermediate pad. sponsor ka sa religion class.
-yung tinola at noodles sa kusina. gutom mga boarders mo, at dahil liberated sila, kahit ano kinakain nila. ingatan mo rin yung joy sa may sink.
-gumising ka before 6 para makapagpakulo ng tubig at makaligo ng maaga nang sa gayo'y di mo mamiss yung 7 o'clock mark at di mo mamiss si "BABAE SA JEEP"
-linisin yung kalat sa dining hall kahit hindi sayo. baka gusto mong matikman ang litanya ng super amazing na kuya mo?!.
-lagyan ng pangalan ang lahat ng gamit mo. baka mapagkamalang hulog ng langit at kunin ng kung sinu-sinong nakatira sa bahay nyo.
-higit sa lahat, ang karapatan mong lumaban sa mga taong gustong umubos ng internet card mo. kundi'y hindi ka na makakagawa ng blog. sige ka!

inches from the last


this is the final bout between the foes and the team.
it was the final season between the mater boni and the oblators.
well. it was just a lucky strike. I was out of the scene so we lost. it was more like the film COACH CARTER.
we kept on winning so at a point, we needed to lose, so we lost.
but, at least we learned our lessons.
that's it for the show.
see you next season.

kuya carter

it was just recently when I watched the film COACH CARTER.
i have to admit that i was inches from crying because somehow, something in the film hit me inside.
It gave me reminscence of my high school life. it was a weird thing that up to now, my being into college
hasn't help me much in learning to leave the past and live the present.
maybe I just didn't now how to live the present that up to now I'm living the past.

anyway, past has passed. I'm a new me.
so, I'll just enjoy life.

blahbber

-naperfect mo pa man din yung exam tapos nagaabsent ka.
tignan natin kung makakuha ka kahit isa man lang dun sa next quiz n'yo.
it was one of the most degrading words a proffessor left me. at first, I thought it was an insult. then, i realized that it was a challenge for me.
-let's see what you got!
it inspired me to aspire for better things. it inspired me to get into the challenge and not to dwell in comfort.
so, i have decided that it's my time to be an ISKOLAR NG BAYAN.
Ayos ba?! anyway, tinulungan ako ni ju na ma-enlighten. salamat ju!

Saturday, February 18, 2006

it all began with an entusiastic dream..... suddenly, everything suddenly changed.
there was no doubt that I didn't even make a single move.
now, I'm losing all hopes and a want to quit!
i want to QUIT WITHOUT EVEN TRYING!
life seems all shit!

Wednesday, February 15, 2006

anak nyo po bading!


it was, as usual, one of those memories i cherish.
it was the battle of the batanguenos and the kapampangans when there came the need to accept defeat.
after all we had, we have and we will always have the hearts of the champions.
it was also the spark of the battle between the parents and the seminarians.
magpapatalo ba kami?!
hindi noh!
syempre magaling kami sa batakan.
after all, we've proven that we are what we are and we do what we do.
basta, ganun yon.

hahahaha. anggaling,,,, si danny i!

tipos baguinenses parin

hay, buti't umulan. di na kinailangan pang tumawag ng bum-be-bumbero!
uhhh...

habang tumatawid ako sa session papuntang skul, hindi ko namalayan na may parating na sasakyan. mabilis.
hinintay ko nalang na dumating si darna upang iligtas ako. sa kabutihang palad, hindi siya dumating at hindi ako nadisgrasya.
inakala kong bubusinahan ako ni mamang drayber sabay sigaw na "p*+@nG !n@!. nagulat ako ng ako'y nginitian lang at sinenyasan upang tumawid.

habang nakasakay naman sa taxi isang gabi, isang jeep ang umovertake samin at huminto upang magsakay ng pasahero.
inakala ko ulit na magagalit ang driver at bubusinahan ang jeep hanggang lumabas ang ear drums ng mga pasaherong nasa likod. mali na naman ako.

kung sigurong sa pampanga nangyari ito eh puro mura nalang ang maririnig sa taxi driver.


nakakamangha ang mga tao sa baguio. minsan, makakasalubong mo sila, kahit hindi mo kilala'y ngingitian kang animo'y matagla na kayong magkakilala.
minsan nama'y aakalaing mong nginingitian ka yun pala'y may nabasang malibog na quote sa text.
masayahin talaga ang mga mamamayan dito. siguro, epekto narin iyon ng magandang klima.
kahit saan, kahit kailan, kaibigan.
ummmm.,.,.,., basta. bibili ka ng gulay sa palengke, laking ngiti ng tindera saiyp. uunahan ka pa sa tawaran.
"manong, ito dating 1000 pesos., kunin mo na sa singkwenta. sige na."
hay buhay.
diba't napakasaya kung lahat ng tao'y nakangiti.
ngunit siyempers, dapat makabuluhan ang nginingitian.
kaya't kip on ismayling, wid sense!

tipos baguinenses

habang tinatayp ang aking blohhhg, saktong nasusunog ang bundok sa tapat ng bahay namin na nasa gilid ng bundok na nasusunog na nasa kadulu-duluhan ng dead end.,.. duh, kaya nga dead end eh!
SUNOG! SUNOG! NASUSUNOG ANG BUNDOK!
manang, di po ba bato yang bundok na yan?
BASTA, SUNOG, SUNOG! TAWAGIN NYO ANG MGA BUMBERO!
bumbero, bumbero! nasusunog ang bundok!
(NAKAKAPANGATI NG ULO!)

sandali lang at isasalba ko muna ang bahay namin. baka madamay sa sunog......

uhm, tuloy ko nalang ito nxt tym....

Saturday, February 11, 2006

APOSTOLADO NG PAGKAIN


apostolate- isang napakasayang karanasan na kung saan, nakikihalubilo ka sa mga taong hindi mo man kakilala na nakatira sa may MARANGLE. ipinapapalaganap mo ang magandang balita na kung saan ikaw mismo ay isang ehemplo ng kabutihan.
para sa akin, isa sa mga bagay na hindi ko malilimutan sa seminaryo ay ang apostolate.
yun bang titira ka sa ba hay ng may bahay, makikikain ka sa hapag ng may hapag, at higit sa lahat, makikigulo ko sa buhay ng may buhay. nakakatawang isipin na ako, isang walang kwentang estudyante ay naatasang mamahagi ng kabutihan sa mga tulad kong maralita. hahahhahaa
_oi taba, bilisan mo, aalis na tayo
=sige payat, nandiyan na. ampayat mo!
pagdating sa paroroonan
=kuba ang laki ng likod mo!
)ikaw taba ka, lagi mo nalang akong tinitira
=ambastos mo naman

mga dialogue na hindi ko malilimutan
=june, kain muna tayo, taya ka.
+ulol, hindi naman yan ang ipinunta natin dito eh. tara, uwi nalang tayo kila tita Josie.
)porke may aircon ang bahay na tinitirhan nyo
=tama, hinihintay ka na ni AJ at ni Axel. bwahahahahaha. JOKE!
_yan talagang kapatid mo, lapitin ng mga bading! hahahahaha.
+&= loko, anung ibig mong sabihin?


Masaya talaga ang apostolate. masaya dahil makikita mong sa kabila ng kahirapan, narian ang mga taong handang magbigay ng kaunti, handang sumuporta, at handang tumulong sa simbahan.
Mga taong, sa kabila ng malaking dagok ng kahirapan ay malakas parin ang pananalig sa Diyos.
so anung kinalaman ng dialogue sa apostolate?
wala/

NAG BAGUIONG BUHAY NAKO!



Nothing feels better than a fresh start.

lalu na pag nangangapa ka pa.

tila may isang alien na dumapo mula sa kalawakan na napakaignorante sa mga bagay bagay.

nakakamangha!

wan-e

it takes me quite sometime to be able to compose somehting new.
well, that's because whenever i have the ideas flowing out of my nasty brain, i simply don't have the time to put them on ink.
now, that's what I learned form reading "stainless longganisa" by BO.
well, it kinda inspired me to write(type) now.
the lesson is, Good ideas come
anywhere, anytime. be alert.
so, here i am again, telling my stupid old stories.
tagalugin ko nalang nga.
maraming pagkakataong naisip ko kung tama pa rin ba ang tinatahak kong landas.
sabi nila, natural lang yun dahil hindi naman talaga makuntento ang tao.
ang tanging magagawa mo ay maging responsable sa kung anung tatahakin mo.
maging responsable ka sa mga posibleng epekto nito sa iyong buhay.
posibleng tawanan ka, ikahiya ka, itakwil ka ng mga taong akala mo'y mga tunay na kaibigan.
anu nga bang pakialam nila eh buhay ko ito.
alam ko ang makakabuti sa akin dahil alam ko ang hangganan ko.
bangka ko ito. kung gusto mong sumakay, sumunod ka sa mga patakaran ko.
kung may ayaw ka sa mga patakaran ko, tumalon ka nalang.
marahil mukhang masyadong nagmamagaling ang mga taong ganito kung magisip.
sabagay, hindi naman lahat ng bagay ay alam ng isang tao.
ngunit, mas kilala ko ako kesa kilala mo ako. so, anung magagawa mo? suportahan mo nalang ako.
ang punto ko dito ay, bingiyan tayo ng kanya-kanyang buhay ng Diyos.
binigyan niya tayo ng unique na kwento na tayo ang susulat, magkikirtiko, at tatapos. tayo ang lahat.
kung iba ang susulat ng kwento mo, hindi na sa'yo kwento 'yon.
kung iba ang nagpapagalaw sa mundo mo, malamang hindi mo na mundo iyon.
mas masay nga naman kung ikaw ang nagmamaneho sa sarili mong sasakyan. alam mo kung saan ka patungo. kung hindi naman, nariyan ang MMDA upang tiketan ka at pagmultahin ka. Nariyan rin si mamang tambay na magsasabi sa'yo kung saan ang mansion ni manong Don Jethro.
ngunit sa mga naitala, hindi nangangahulugang wla na tayong pakialaman sa isa't isa.
dapat may pakialamanan tayo ngunit hindi sa puntong inaagaw na natin yung driver's seat mula sa drayber.
"manong, gladiola ho ba?"
hayaan natin magmaneho ng sarili nilang kotse ang bawat isa. kung may nakaligtaan oh nakalimutan ang drayber habang papumta sa kanyang nais paroonan, doon sisingit ang mga singit na tagapyo.
kung may typo ang writer, dito makikialam ang dictionary ng MS word. yun ay kung ingles ang tinatayp ng writer.

kaya ngayon, iiklian ko na ang aking nkakantok na litanya. medyo hindi angkop para sakin ang katapusan
kaya't magiiwan nalang ako ng isang palaisipan.
How would you appreciate the power thumping underneath a ferrari if you let a chauffer drive you?
ika nga eh LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST!