wan-e
it takes me quite sometime to be able to compose somehting new.
well, that's because whenever i have the ideas flowing out of my nasty brain, i simply don't have the time to put them on ink.
now, that's what I learned form reading "stainless longganisa" by BO.
well, it kinda inspired me to write(type) now.
the lesson is, Good ideas come
anywhere, anytime. be alert.
so, here i am again, telling my stupid old stories.
tagalugin ko nalang nga.
maraming pagkakataong naisip ko kung tama pa rin ba ang tinatahak kong landas.
sabi nila, natural lang yun dahil hindi naman talaga makuntento ang tao.
ang tanging magagawa mo ay maging responsable sa kung anung tatahakin mo.
maging responsable ka sa mga posibleng epekto nito sa iyong buhay.
posibleng tawanan ka, ikahiya ka, itakwil ka ng mga taong akala mo'y mga tunay na kaibigan.
anu nga bang pakialam nila eh buhay ko ito.
alam ko ang makakabuti sa akin dahil alam ko ang hangganan ko.
bangka ko ito. kung gusto mong sumakay, sumunod ka sa mga patakaran ko.
kung may ayaw ka sa mga patakaran ko, tumalon ka nalang.
marahil mukhang masyadong nagmamagaling ang mga taong ganito kung magisip.
sabagay, hindi naman lahat ng bagay ay alam ng isang tao.
ngunit, mas kilala ko ako kesa kilala mo ako. so, anung magagawa mo? suportahan mo nalang ako.
ang punto ko dito ay, bingiyan tayo ng kanya-kanyang buhay ng Diyos.
binigyan niya tayo ng unique na kwento na tayo ang susulat, magkikirtiko, at tatapos. tayo ang lahat.
kung iba ang susulat ng kwento mo, hindi na sa'yo kwento 'yon.
kung iba ang nagpapagalaw sa mundo mo, malamang hindi mo na mundo iyon.
mas masay nga naman kung ikaw ang nagmamaneho sa sarili mong sasakyan. alam mo kung saan ka patungo. kung hindi naman, nariyan ang MMDA upang tiketan ka at pagmultahin ka. Nariyan rin si mamang tambay na magsasabi sa'yo kung saan ang mansion ni manong Don Jethro.
ngunit sa mga naitala, hindi nangangahulugang wla na tayong pakialaman sa isa't isa.
dapat may pakialamanan tayo ngunit hindi sa puntong inaagaw na natin yung driver's seat mula sa drayber.
"manong, gladiola ho ba?"
hayaan natin magmaneho ng sarili nilang kotse ang bawat isa. kung may nakaligtaan oh nakalimutan ang drayber habang papumta sa kanyang nais paroonan, doon sisingit ang mga singit na tagapyo.
kung may typo ang writer, dito makikialam ang dictionary ng MS word. yun ay kung ingles ang tinatayp ng writer.
kaya ngayon, iiklian ko na ang aking nkakantok na litanya. medyo hindi angkop para sakin ang katapusan
kaya't magiiwan nalang ako ng isang palaisipan.
How would you appreciate the power thumping underneath a ferrari if you let a chauffer drive you?
ika nga eh LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home