sa aking minamahal na "pamilya"
minsan nang ako'y nag-isa sa mundong wala akong kaalam-alam, isang pamilya ang kumup-kop sa akin. hindi siya isang marangyang pamilya ngunit isang pamilyang puno ng saya sa likod ng misteryong bumabalot sa kanya.
nung una'y pilit akong lumayo sa kanya dahil hindi ako komportable sa misteryong ito. ngunit, unti-unti, natutunan ko siyang mahalin.
sa tulong ng aking mga kapatid, nabuo ang pagmamahal ko sa pamilyang ito. sa tulong nila, unti-unti kong naalis ang misteryong pilit na namagitan sa akin at sa katotohanang ninais kong makita. sa tulong nila, natutunan kong magmahal ng pamilyang iba sa'kin nang higit pa sa sarili ko. ngunit sa mga ganitong pagkakataon, may mga di inaasahang mangyari. naipon ang aking pagmamahal at ito'y natuon sa isang parte ng pamilya.
hindi ko lubos maisip na ito'y mangyayari. nung una'y sinabi ko sa aking sarili na pamilya ko ito at ang pag-ibig na nararapat rito ay yaong para sa isang pamilya. hindi ko hawak ang pangyayari't ako'y napaibig niya. siya na laging laman ng aking isipan. siya na lagi kong hinahanap-hanap sa tuwing kasama ko ang pamilya. hindi ito maaari! kailangan kong umiwas!
sa aking pagiwas, ako'y natisod sa kalungkutan. ako'y nalugmok sa kadiliman. hindi ko kayang iwasan siya! ngunit, heto ang aking mga kapatid handang tumulong. naibalik nila ako mula sa kalungkutan ngunit isang parte ko ang naiwan roon. unti-unti, ako'y nanumbalik sa pamilya.
Salamat sa aking mga kapatid, aking mga batchmates.
salamat sa UP aguman, ang aking bagong pamilya sa mundo ng kolehiyo.
At sa iyo na aking inibig at patuloy na iibigin, kung saan ka masaya, narito ako, nakaalalay sa iyo.
2 Comments:
ay naku Bong.. sabihin mo na kasi nang matapos na yang paghihirap mo! Kapag hindi mo sinabi, ako ang magsasabi! hehehe!
2:47 AM
hahahaha. hindi pa oras. :)
1:08 AM
Post a Comment
<< Home