mga kwento ng kababalaghan, katalinuhan, kabobohan, kabanalan, kademonyohan, kagaguhan,katinuan, at marami pang iba!

Wednesday, February 15, 2006

tipos baguinenses parin

hay, buti't umulan. di na kinailangan pang tumawag ng bum-be-bumbero!
uhhh...

habang tumatawid ako sa session papuntang skul, hindi ko namalayan na may parating na sasakyan. mabilis.
hinintay ko nalang na dumating si darna upang iligtas ako. sa kabutihang palad, hindi siya dumating at hindi ako nadisgrasya.
inakala kong bubusinahan ako ni mamang drayber sabay sigaw na "p*+@nG !n@!. nagulat ako ng ako'y nginitian lang at sinenyasan upang tumawid.

habang nakasakay naman sa taxi isang gabi, isang jeep ang umovertake samin at huminto upang magsakay ng pasahero.
inakala ko ulit na magagalit ang driver at bubusinahan ang jeep hanggang lumabas ang ear drums ng mga pasaherong nasa likod. mali na naman ako.

kung sigurong sa pampanga nangyari ito eh puro mura nalang ang maririnig sa taxi driver.


nakakamangha ang mga tao sa baguio. minsan, makakasalubong mo sila, kahit hindi mo kilala'y ngingitian kang animo'y matagla na kayong magkakilala.
minsan nama'y aakalaing mong nginingitian ka yun pala'y may nabasang malibog na quote sa text.
masayahin talaga ang mga mamamayan dito. siguro, epekto narin iyon ng magandang klima.
kahit saan, kahit kailan, kaibigan.
ummmm.,.,.,., basta. bibili ka ng gulay sa palengke, laking ngiti ng tindera saiyp. uunahan ka pa sa tawaran.
"manong, ito dating 1000 pesos., kunin mo na sa singkwenta. sige na."
hay buhay.
diba't napakasaya kung lahat ng tao'y nakangiti.
ngunit siyempers, dapat makabuluhan ang nginingitian.
kaya't kip on ismayling, wid sense!

1 Comments:

Blogger just press start said...

lol... punta ka dito, or sa us.. malalaman mo kung gano kadaling mamansin mga tao dito and doon.hahaha!

8:26 PM

 

Post a Comment

<< Home