cabirabira
miyerkules nang hapon,
sa tambayan ng super astig na up aguman,
nagkitakita ang mga miyembro ng greatly astounding, ultimate DOTA BOYS.
naroon sila upang pag-usapan ang mga plano nila para sa araw na iyon.
nang unay nagkayayaan lang na mag-dota buong araw. nang di anu-ano'y bigla silang napasakay ng Jeep patungong SM north.
makulimlim ang mga langit nang araw na iyon. umaambon na nang kaunti nang makaalis sila sa campus. nagbabadya na ang pagbuhos ng malakas na ulan. ngunit walang makapipigil sa desisyong ginawa ng supremo. pupunta sila ng TriNoMa!
halos kakabukas lang ng trinoma noon. wala pang tiyak na daanan patungo doon. at, unang pagkakataon palang na mapapadayo roon ang DOTA BOYS. kaya't gumawa sila ng kanilang routa- dadaan ng overpass na nagu-ugnay sa SM north at sa kabilang ibayo. medyo mahaba-haba ang lalakarin ngunit gusto nilang makaekspiryens kaya't sige lang ng sige.
sa kalagitnaan ng kanilang mahaba-habang paglalakbay, biglang bumuhos ang malakas na ulan na makakapagpabaha sa buong pampanga! isa lang ang may dala-dalang payong! walang ibang masisilungan sa kanilang dinaanan! tinginan lahat ng tao habang linusong ng dota boys ang ulan na bumuhos ng ubod ng lakas. basang basa na sila. ito na ang katapusan ng DOTA BOYS! lugmok na sila sa kahihiyan!
salamat at dumating si manong taxi kundiy 30 minuto silang babad sa ulan, walang masisilungan, tinatawanan ng mga taong nagdadaan sa kanilang mga sasakyan.
hindi naging balakid ang ulan sa kanilang pagpunta sa Trinoma dahil kahit basang basa sila'y taas noo nilang nilibot ang kabuuan ng trinoma!