mga kwento ng kababalaghan, katalinuhan, kabobohan, kabanalan, kademonyohan, kagaguhan,katinuan, at marami pang iba!

Sunday, April 22, 2007

lakatan. sana mabasa niyo ito! :)

wala nang space sa log book kaya't dito ko nalang ilalagay ang mensahe ko para sa inyo! hahaha
unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako sa inyong lahat na nagsilbing aking mga kapatid sa aking buhay sa kasalukuyan.
para sa aking mga ate-
Jen,
nung una kitang makilala, para kang isang batong tumama sa ulo ko. sa iyong pagtama, nasira ito't naalog. kaya hayun, tumawa ako ng tumawa kahit na walang dahilan. hahaha. salamat sa iyong company at sa iyong mga payo. good luck sa iyong buhay sa hinaharap. :)
Lai,
may sikreto ako pero di ko sasabihin! hahaha. oion, isa ka sa aking mga pinagtitripan noon. salamat sa iyong pasensya.

sa aking mga kuya-
G-boi,
sa iyo ko nalaman na totoo palang may monsters na ginagawang mani ang math. hahaha. goodluck sa iyong love-life at math life! :)
Mike,
sa iyo ko nakita ang aking sarili ilang taon ang nakalipas. hindi sa hitsura o sa katawan kundi sa pagka-attatch sa mga H.S. friends. tama na muna ang toma! haha. bagay sa iyo ang philo ngunit kung talagang ayaw mo na andito lang kami para suportahan ka.
Justin,
wala akong masabi. nagsisisi ako dahil ngayon lang kita sinubukang kilalanin. ikaw pala'y isang masayahing tao at, bilib naman ako sa mga hirit mo. hahaha
Jer,
hindi pa rin kita gaaanong kilala. ngunit sa nakikita ko, busilak ang iyong puso(korni hahaha. biro lang) sana'y matagpuan mo na ang tamang kurso para sa iyo.
Aries,
goodluck sa love life natin! hahaha. astig din at nakilala kita. food crony! hahaha
buduy
ang pinakabata sa lahat, mabuhay ka! hahahaha. medyo nawiwirduhan pa rin ako sa'yo pero, ok....
ken,
di pa rin kita kilala dahil di ka naman tumatambay. sana naman di ba? :)

alam kong huli na para sa mga ganitong mensahe. matagal-tagal na rin tayong nagsama bilang official agumems. wala lang ako magawa kaya hayun. hahahahah. sana naman...... :)

Labels:

sa aking minamahal na "pamilya"

minsan nang ako'y nag-isa sa mundong wala akong kaalam-alam, isang pamilya ang kumup-kop sa akin. hindi siya isang marangyang pamilya ngunit isang pamilyang puno ng saya sa likod ng misteryong bumabalot sa kanya.
nung una'y pilit akong lumayo sa kanya dahil hindi ako komportable sa misteryong ito. ngunit, unti-unti, natutunan ko siyang mahalin.
sa tulong ng aking mga kapatid, nabuo ang pagmamahal ko sa pamilyang ito. sa tulong nila, unti-unti kong naalis ang misteryong pilit na namagitan sa akin at sa katotohanang ninais kong makita. sa tulong nila, natutunan kong magmahal ng pamilyang iba sa'kin nang higit pa sa sarili ko. ngunit sa mga ganitong pagkakataon, may mga di inaasahang mangyari. naipon ang aking pagmamahal at ito'y natuon sa isang parte ng pamilya.
hindi ko lubos maisip na ito'y mangyayari. nung una'y sinabi ko sa aking sarili na pamilya ko ito at ang pag-ibig na nararapat rito ay yaong para sa isang pamilya. hindi ko hawak ang pangyayari't ako'y napaibig niya. siya na laging laman ng aking isipan. siya na lagi kong hinahanap-hanap sa tuwing kasama ko ang pamilya. hindi ito maaari! kailangan kong umiwas!
sa aking pagiwas, ako'y natisod sa kalungkutan. ako'y nalugmok sa kadiliman. hindi ko kayang iwasan siya! ngunit, heto ang aking mga kapatid handang tumulong. naibalik nila ako mula sa kalungkutan ngunit isang parte ko ang naiwan roon. unti-unti, ako'y nanumbalik sa pamilya.
Salamat sa aking mga kapatid, aking mga batchmates.
salamat sa UP aguman, ang aking bagong pamilya sa mundo ng kolehiyo.
At sa iyo na aking inibig at patuloy na iibigin, kung saan ka masaya, narito ako, nakaalalay sa iyo.